PB(hel)L
- Rainer Ona
- Dec 9, 2018
- 1 min read
Sa simula pa lang, naramdaman ko na ang mga hirap at pagod na aming mararanasan. Pero sinabi ko sa sarili kong di ako susuko sa hirap at pagod. Isa sa mga magagandang mararanasan sa PBL ay ang stress. Minsan masama ito pero minsan mganda rin ito para sa atin. Siguro dahil ito yung nagsasabi sa atin na huwag susuko. Isa rin sa rason bakit maganda ang stress para sa atin ay dahil ito rin yung nagsasabi na tama ang ating ginagawa. Kung hahayaan natin ang stress na ito, magiging masama na ito. Natutunan ko rin na dapat magbigay rin ako ng oras para sa aking sarili. Sa kabuuan ng PBL, marami akong naranasan. Hirap, pagod, saya, lungkot, inis, at kung ano-ano pa. Ngunit kung hindi ka susuko, magiging sulit ang lahat ng pagod at hirap sa huli.
Comments