top of page

PANACEA VI

Home: Blog2
MMA12D - PANACEA VI

MMA12D - PANACEA VI

Hindi madali gumuhit.

Updated: Dec 10, 2018



Hindi ako magaling gumuhit ng kahit ano. Ngunit sa sobra ng pagbabasa ng mga manga o komiks, pinilit ko ang aking sarili na pagaralan at ipraktis ang pagguhit. Dahil mahal ko ang Anime, siyempre tinuturuan ko ang aking sarili gumihit ng Anime na may tulong ng internet. Nagsimula ako sa tradisyonal na pagsulat at pinagaralan ko ang kung paano idrowing halos lahat ng parte ng katawan, siyempre itusrang Anime. Mabagal ang aking progreso at minsan nakakawalang gana, ngunit di ako tumigil. Nang maging kampante nako ng onti sa aking mga larawan, sinubukan ko ang digital art. Mas nadalian ako sa digital art ngunit wala sa aking mga ginuhit ay natuwa ako na ipakita sa iba, tuloy tuloy lang ang aking pagpraktis. Noong maagang bakasyon ng dalawang buwan o sabihin na nating noong inaantay namin ang pagbukas ng Yakal iAcademy Nexus noong enero, sinabi ko sa aking sarili na magiging produktibo ang aking bakasyon. Tinuloy ko ang aking pag digital art, naisipan ko na mag "speedart" at nagulat na lang ako sa aking ginuhit sa huli. Rinekord ko ang aking progreso sa guhit na ito, inabot ito ng tatlong araw (2-3 na oras bawat araw). Pinagdisisyonan ko na iedit ang aking progreso at ipakita sa iba ang aking pinakaunang likha na natuwa at pinaghirapan ko.





Comments


THIS IS THE GREATEST SHOW. 

Being good is never enough, we strive to be the best. 

Contact

iAcaemy Nexus Campus, 7434 Yakal, Makati, 1203

Your details were sent successfully!

©2018 by PANACEA VI. Proudly created with Wix.com

bottom of page