1: Nagsimula sa Fax Paper
- Lila Quintans
- Dec 9, 2018
- 2 min read
Sumilip siya sa kahon na ibinigay sa ng kanyang lola. Ito'y punong puno na papel. Si Potpot ay ngumiti at kinuha ang kanyang mga krayola, siya'y humila mula sa kahon at mula rito ay lumabas ang napakahabang papel. Hinati nya ito sa tamang haba at siya'y nagsimulang gumuhit. Buong maghapon, 'yon ang kanyang pinagkakaabalahan, pagkukulay at pagguguhit ng kung anung mahiwagang nilalang na pumasok sa kanyang isip: sirena, diwata, sirenang diwata. Mula sa fax paper nyang mistulang di nauubos hanggang sa sementong ginuguhitan gamit ng chalk o basag na paso, dito nagsimula ang explorasyon ni Potpot sa sining. Ngunit hindi naipakilala kay Potpot na pwedeng maging trabaho ang pagiging manguguhit, ang kanyang pagkulay at pagguhit ay nanatiling libangan lamang. Hindi nakuwento sa kanya na ang mga gumawa ng kanyang mga paboritong palabas tulad ng Avatar: THe Last Airbender, My Neighbor Totoro, Spirited Away, Mulan at iba pang Disney movies ay gawa at trinabaho ng mga mangguguhit.
Noong ang pamilya ni Potpot ay lumipat sa Maynila mula sa Zambales, siya'y naexpose sa mas malawak na mundo ng anime at animation. Natutunan niya na maari nyang gawing career ang pagguhit. Mula dito ay nagsimula siyang matuto ng iba't ibang proseso at istilo ng pagguhit at pagpinta. Madalas siyang nagbabasa ng mga post sa Tumblr kung paano gumaling sa sining at kung ano maaring marating niya sa sining.
Noong Pasko bago siya mag grade 8, rinegaluhan siya ng tablet at dito nagsimula ang pagexplore nya sa digital art. Grade 8 niya din natuklasan ang mga paaralang pansining tulad ng Mint College at iACADEMY.
Pagpasok ni Potpot sa iACADEMY, gusto niyang kunin ang Animation ngunit nakumbinsi sya nung interview na Multimedia ang kunin niya. Hindi naman nagsisi si Potpot sa desisyong ito sapagkat ito'y nagbukas pa ng mga opurtunidad sa kanya na magtuklas ng iba't ibang istilo at media ng sining.
Ang kahon ng fax paper ay nanatiling buhay, halos nangangalahati na, sa bahay ng lola ni Potpot sa Zambales.
Comments