Bakit MMA?
- Ronald Valdez
- Dec 8, 2018
- 1 min read
Updated: Dec 9, 2018
Si Ronald ay ang pinaka bata sa tatlong magkakapatid. Simula nang mayroon siyang kakayahang magisip sinusunod at ginagaya niya sila. Bawat kilos ng mga kapatid niya ay tinuturi niyang malupet o “cool” at dahil sa kagustuhan ni Ronald na maging malupet tuloy-tuloy ang kaniyang pag gaya. Noon, hilig ng mga kapatid ni Ronald na maglaro ng mga videogames, hindi man pinapalaro si Ronald, lubos parin ang kaniyang pakikinood tuwing naglalaro sila. Makita lang ni Ronald nagsasaya mga kapatid niya maglaro ng Star Craft, Warcraft: Frozen Throne, Red Alert, Diablo, Playstation 2 games at kung ano-ano pa siya ay napapangiti na at nakikisaya. Dahil sa mga pangyayaring ito, nagsimula ang lubos na kagustuhan ni Ronald sa mga videogames.
Ang lubos na hilig sa videogames ang pinagkakaisa ng mga kapatid at ang impluwensiyang nito ang tumulong sa pag hasa ng kanilang mga talento. Sinubukan ni Ronald tularan ang kaniyang mga kapatid sa pagguhit. Sobrang galing ng mga kapatid niya gumuhit ng iba’t ibang elemento ng mga videogame tulad ng mga spada, baril, karakter at iba pa, sinimulan ni Ronald ang pagguhit ngunit nahalata niya agad na wala siya sa lebel ng mga kapatid niya. Nadismaya si Ronald at upang lumipas ito, tinuloy niya lang nag paglalaro ng videogames. Dahil sa patuloy na paglalaro ni Ronald, dito niya napagtanto ang kaniyang kagustuhan na maging multimedia artist. Hindi man siya magaling sa pagguhit, lubos naman na mabuti ang kakayahan niya gumawa ng user interface at iba’t-ibang graphics. Sa realisasyon na ito nagsimulang dumaan si Ronald sa daan ng paggiging mabuting manlilikha o graphic designer.
Comments