Ang Pangarap ng Isang Bata
- Rainer Ona
- Dec 9, 2018
- 2 min read
Updated: Dec 10, 2018

Pagkauwi mula sa eskwelahan, agad-agad na pumunta si Rainer sa kanyang kwarto para mag bihis. Pagkabihis ay madaling-madaling tumakbo papalabas ng kwarto diretso sa telebisyon para panoorin ang kanyang paboritong palabas na Justice League. Nakahanda na ang kanyang pwesto sa harap ng telebisyon at may kasama pang merienda.
“Sana maabutan ko pa.” Bulong ni Rainer sa kanyang sarili.
Matapos ang ilang komersyal, abot tenga ang ngiti ni Rainer nang maabutan pa nga niya ang kanyang paboritong palabas. Kayang-kaya niyang manood ng ilang oras sa isang upuan lang.
Lumipas ang isang oras nang matapos na ang kanyang pinapanood. Medyo nalungkot si Rainer sa pag tapos. Sapagkat hihintayin pa niya ang susunod na lingo para malaman ang susunod na mangyayari.
Nang matapos sa panonood, kumuha ng papel at lapis si Rainer para subukan gumuhit ng kanyang mga paboritong karakter.
“Mukhang balang-abala ka diyan ah.” Sabi ng kanyang tatay.
Tumango lang ang bata dahil hirap iguhit ang kanyang gusting iguhit. Kumuha naman ng isa pang lapis ang ama para turuan ang kanyang anak.
“Halika, turuan kita. Nagsisimula lang yan sa mga simpleng hugis. Tulad ng ulo, pwede mo siya simulan sa bilog. Ang katawan naman ay parihaba. Pag nagawa mo na yung mga hugis, pwede mo na simulan.”
Di namalayan ng mag-ama na ginabi na sila sa kanilang pinagkakaabalahan. Pagod pero punong-puno ng saya ang bata ng matutunan paano gumuhit ng mga paborito niyang karakter.
“Gusto ko pag laki ko gumuguhit din ako ng mga karakter tulad nung mga pinapanood ko.” Wika ni Rainer.
“Magandang pangarap yan. Basta lagi ka lang guguhit ng guguhit.” Sagot ng kanyang ama.
Pag laki ni Rainer, mas lalo pa siyang naengganyo maging manlilikha. Hinding-hindi niya pinakawalan ang pangarap niyang mgaing ilustrador dahil lang sa sinabi ng kanyang ama na gumit lang ng gumuhit.
Comentários