Aking Mga Inspirasyon
- Rainer Ona
- Dec 9, 2018
- 1 min read
Isa sa mga rason kung bakit ko nakahiligan ang pag gawa ng sining ay komiks. Noong bata pa lang ako, isa na sa mga pangarap ko ang maging ilustrador ng komiks. Gusto ko mag kwento ng istorya sa pamamagitan ng mga ilustrasyon.

Ang pinaka paborito kong superhero ay si Spider-Man. Hindi dahil sa lakas o galing niya, kundi dahil sa kanyang kaisipan na hindi dapat sumuko gaano man kahirap ang sitwasyon mo.

Ang pinaka malaking inspirasyon ko sa pag gawa ng sining ay ang aking ama. Siya ang pinaka magaling na arkitekto at pinaka magaling na manlilikhang aking nakilala. SIya ang nagpakilala sa akin sa mundo ng sining. Sa bawat sining na aking ginagawa, sinisigurado kong kaya kong ipagmalaki sa kanya ang aking gawa.
Comentários