Aking mga Inspirasyon.
- Ronald Valdez
- Dec 8, 2018
- 1 min read
Updated: Dec 9, 2018

Mahilig ako sa mga videogames. Ang aking pinakapaborito kategorya ay mga Role-Playing games, mga laro kung saan mayroong malalim na storya, makulay na mundo, hindi malilimutang mga karakter at kadalasan ang kakayahang mamili ng iba't-ibang desisyon na nakaapekto sa storya at mundo ng laro. Dahil sa mga elementong ito, lumalawak ang aking isipan sa mga maaring mangyari sa buhay ng karakter ko at minsan sa realidad. Nagsisilbing inspirasyon ang mga nakikita, naririnig at mga natututunan ko sa laro sa paggawa ng aking mga likha.

Hindi sikreto na mahilig ako sa Anime. Ang panonood ng Anime ang aking pinakapangunahin paraan ng pagkonsumo ng media. Kung anuman ang kategorya, ako ay naapektuhan. Pinagkukunan ko ng inspirasyon ang mga karakter, storya, pangyayari at paraan ng paghatid ng mga ninanais na mensahe ng manunulat.

At ang huli, ang pagbabasa. Mahilig ako magbasa ng iba't-ibang storya; malungkot,masaya, nakakatawa at iba pa. Sa napakadaming babasahin na literatura sa mundo, ang pinaka tanyag sakin ay siyempre Anime. Para mas tiyak, mga manga; ang komiks ng mga Hapones. Parehas lang ang aking rason kung bakit ko ito pinagkukunan ng inspirasyon sa Anime ngunit ang kinahihigitan ng manga ay ang gaano ito ka detalyado sa mga pangyayari na hindi kaya gawin ng Anime.
Comments