top of page

PANACEA VI

Home: Blog2
MMA12D - PANACEA VI

MMA12D - PANACEA VI

Mga Inspirasyon


Ang My Neighbor Totoro ay ang kaunaunahang palabas mula sa Studio Ghibli na napanuod ko at ito'y patuloy na nagbibigay sa akin ng inspirasyon. Ito (at Spirited Away) ay una kong napanuod ilang buwan bago kami lumipat papuntang Maynila at dahil sa mga palabas na ito, hindi ako (at ang kapatid ko) natakot sa paglipat ng lugar kahit gano man kalayo. Hindi ako takot sumubok ng mga bagong bagay dahil sa mga palabas na ito.


Ang Tangled ay isa sa mga paborito kong Disney film. Ito ang unang palabas na nagresearch ako kung paano ginawa, kung ano ang proseso.


Si Shan D'Anthes ay isang manlilikha mula sa Australia na lumilikha sa ilalim ng pangalan na furrylittlepeach. Isa siya sa mga inspirasyon ko dahil sa kanyang istilo, proseso at ugali sa pagtatrabaho.


Isa rin sa inspirasyon ko ang Rise of the Guardians mula sa Dreamworks. Tulad ng Tangled, nagresearch din ako kung paano ginawa ang palabas. Inobserbahan ko lahat ng detalyeng linagay ng mga animator mula sa mga pekas ng mukha hanggang sa detalye sa yelong sinisira.


Ang Soul Eater ay isa as mga unang anime na napanood ko at natuwa ako sa istilo ng pagkaanimate dahil di siya kamukha ng ibang anime na napanood ko. Hindi ko man natapos ang series na ito, ito'y nagsilbing daan upang makatuklas ako ng iba pang anime.

Comentarios


THIS IS THE GREATEST SHOW. 

Being good is never enough, we strive to be the best. 

Contact

iAcaemy Nexus Campus, 7434 Yakal, Makati, 1203

Your details were sent successfully!

©2018 by PANACEA VI. Proudly created with Wix.com

bottom of page