MUSIKA ft. Japan
- Ronald Valdez
- Dec 9, 2018
- 1 min read
Updated: Dec 9, 2018

Kapag gumagawa ako ng mga likha ako ay laging nakikinig ng musika. Sa pagsusulat, pageedit, pagguguhit ako ay kadalasan nakikinig sa iba't-ibang kategorya ng musika. Nakakatulong ito sa pagkondisyon sa aking emosyon at kaisipan tuwing gumagawa ako ng mga likha. Dahil sa lubos na kahiligan ko sa Anime, naimpluwensiyahan ang kagustuhan ko pagdating sa musika. J-Pop, J-Rock at J-Synth, itong tatlo ang kategorya ng musika ang palaging pinapakinggan ko. Mayroong mga panahon na ang pinapakinggan ko ay wala sa tatlo, ngunit paglumipas ang isang album o kapag "naumay" ako didiretso ako sa J-Pop, J-Rock o J-Synth kaagad. Ang tatlong ito ay ang kategoryang di ko pinagsasawaan at palaging binabalikan ko.
Mga halimbawang banda at mang-aawit na aking pinapakinggan ay ang mga nasa larawan sa taas. Depende sa aking kagusutuhang maramdaman ang aking mga pinapakinggan. Sa mga panahon ng kailangan ko ng karagdagang enerhiya o "hype", nakikinig ako sa J-rock kung saan ang ritmo ay mabilis at nakakagalaw ng ulo; nakaktulong maging masaya ang aking gawain at iwasang mainip. Kapag nararamdaman ko na kailangan ko nang huminahon, nakikinig ako sa mga mababagal na J-pop ; kung saan nakakatulong ito sa pag pokus. Nakapagtataka siguro sa iyo kung naiintindihan ko ba ang mga salitang Hapon? Ang sagot ay hindi, ngunit kapag nagustuhan ko ang isang kanta nagsasaliksik ako ng mabuti tungkol sa kanta. Tinitignan ko ang lyrics, mensahe at kung kaya kinakabisado. Ang pagsunod sa musika sa pagkakanta ay para sakin nagpapasaya ng onti at nakakatulong sa pag bawas ng stress.
Ang link sa baba ay didirekta isang playlist sa Youtube ng mga halimbawa ng aking mga pinapakinggan :)
https://www.youtube.com/playlist?list=PLs1FhMneR3za3fwqPcMIkRX8gxlB5MpUF
Commentaires