Musika't Vlog
- Rainer Ona
- Dec 10, 2018
- 1 min read
Updated: Dec 10, 2018
Madalas kong pakinggan ang mga musikang walang salita. Siguro dahil naiistorbo ako sa mga salita pag gumagawa ako. Karamihan ng mga kanta sa playlist na yan ay pinapakinggan ko kapag gusto kong kumalma o magtanggal ng stress. Hango sa iba’t-ibang porma ng media ang mga kantang nasa playlist. Yung iba galing sa laro, pelikula, o kanta mismo. Kaya ko rin madalas sila pakinggan ay dahil doon nanggagaling mga inspirasyon ko sa pag likha.
Isa sa mga madalas kong gawin ay masyado akong nag-aalala. Minsan masyado akong nag-aalala pero di naman kailangan alalahanin masyado. Lalo na yung mga maliliit na bagay na mas lumalaki dahil sa sobrang pag-alala. Pag masyado akong nag-aalala, pinapanood ko lang yung vlog ni D-Trix tungkol sa masyadong pag-aalala. Sinasabi niya wag tayong masyadong mag-alala kase pinapahirapan lang natin sarili natin at maraming oportunidad ang nasasayang sa pag-alala masyado. Hindi man niya naaalis sa aking masyadong pag-alala pero nagbibigay inspirasyon siya sa akin na wag matakot sumubok.
Comments