top of page

PANACEA VI

Home: Blog2
MMA12D - PANACEA VI

MMA12D - PANACEA VI

Will Power Pare

Updated: Dec 10, 2018

Musikaaa a a a a a

Malibang sa The Greatest Showman OST na madalas ipatugtog at isigaw ng grupo, ito ang aking mga pinapakinggan:


https://open.spotify.com/playlist/37i9dQZF1EjdSLom6HFExu


Halu-halo ang playlist ng iba't ibang kanta mula sa iba't ibang artist. Ang iba ay nadidiskubre ko sa Discover Weekly ng Spotify, ang iba naman ay sinasadya kong pakinggan ng paulit-ulit tulad ng bagong album ni Alessia Cara, Mitski, o Tessa Violet. Ang ibang kanta ay malumanay at pampakalma tuwing pagod na ako magtrabaho tulad ng mga kanta ni Rusy Clanton at Coelli. Ang iba naman ay pampagana magtrabaho tulad ng bandang The Regrettes at ang mga bagong kanta ni Alessia Cara tulad ng Not Today. Madalas na ang mga pinipili kong kanta ay maganda ang tempo, tipong magigising ka at magaganahang kang magtrabaho. Madalas na tema ng mga kantang paulitulit kong pinapakinggan ay pagiging matatag kahit di mo kaya maging matatag.


Mayroon ding mga gabi na video game OST ang mga pinapakinggan ko dahil nabasa ko sa isang article na mas nakakapagfocus ka sa trabaho kapag video game music ang pinapakinggan mo dahil designed ang mga music na ito upang makapagfocus ka sa laro.


Bidyo ba yan? Bidyo ba yan?

Ang mga video na madalas kong panoorin noong di pa nagsisimula ang PBL para maprepare ako sa trabaho ay ang mga video ni Anna Akana na nagpapaalala na ang isang pagkakamali sa buhay natin ay hindi katapusan ng mundo at dapat tayong wag mawalan ng pag-asa sa mga buhay natin:


Short film:


What to do when your life falls apart:



Pull yourself together girl:



none of us are okay (and that's okay):



Madalas ko rin pinapanood ang mga videong (pati na rin ang mga "how to cut your hair" videos) ito kapag masyado na akong malungkot sa buhay. Para naman sa mga pahinga ko mula sa trabaho, ang pinapanood ko ay ang mga video ni Haley Pham, Ryan Trahan, Arden Rose at Never Too Small. Ang mga channel na ito ay isa o dalawang beses lang sa isang linggo kung maglabas ng bagong video kaya talagang pinapanood ko lang sila sa dulo ng linggo.

Recent Posts

See All
Musika't Vlog

https://open.spotify.com/user/kpt4l50yzslca7pmnxhbuf7ic/playlist/22CLXw3EtbzJndokfS6nJQ?si=ImfaWuXETPCH40iM4wuipQ Madalas kong pakinggan...

 
 
 

Kommentarer


THIS IS THE GREATEST SHOW. 

Being good is never enough, we strive to be the best. 

Contact

iAcaemy Nexus Campus, 7434 Yakal, Makati, 1203

Your details were sent successfully!

©2018 by PANACEA VI. Proudly created with Wix.com

bottom of page